October 08, 2006

Potograpo

Sa mga nagtatanong kung ano pinagkakaabalahan ko ngayon:
http://www.flickr.com/photos/kampuger/

Masaya maging potograpo. ehehehehe

June 08, 2006

Bagong Blog

May bago ko sa blog ko sa multiply:

http://kampuger.multiply.com/journal/

Silip na! Dali!

June 05, 2006

Lumipat na ako ng blog

Sa mga fans ng blogs ko (as if....), lumipat na ang aking blog sa bago nitong tahanan:

http://kampuger.multiply.com/journal

Update ko na lang itong blog na ito tuwing may bagong post sa blog ko.

Yun lang. Sige ituloy niyo ang pagpapakarami.

May 26, 2006

Yurakan mo na lahat, hwag lang X-men

Punyeta. Yan ang masasabi ko sa latest na pelikula ng X-men, ang X-Men III: The last stand. Akala ko pa naman impressive na ang storyline nila. Akala ko mas maayos ang storyline nila kaysa sa naunang 2 movie. But no, it's even terrible. Ito ba yung pinagmamalaki nilang conclusion?

Bakit ko nga pala nasabing punyeta? Una, yung storyline. Kailan pa namatay si cyclops sa kamay ni jean grey? Kailan pa namatay si Professor X kay jean grey? at higit sa lahat, kailan pa namatay si jean grey sa claws ni wolverine. Ay pucha, sa movie nangyari yun. Nasira ang storyline ng X-men. Pero oo nga naman, movie lang yun. Lintek na pelikula.

Next na dahilan, bit player lang ang mga expected hebigat na mutants. Si cyclops, namatay sa kiss. Si Colossus, fave mutant ko, mukhang naging kargador lang sa pier. Si kitty, bata pa lang kerengkeng na. Si Rogue, nagpaconvert into human. Si Juggernaut, ampanget ng costume. Hay naku, ala pa si Nightcrawler. Oo nga pala, bading si avalanche. Naka-bra pa.

Lastly, daming inconsistencies sa story niya. Si phoenix, sumanib kay Jean, hindi inborn. Si juggernaut, bawal tanggalin ang helmet niya (at dapat naka-bolt pa nga yun sa armor niya). Si callisto, never niya naging ally si magneto. Lastly, bakit may ilaw pa yung mga natirang kotse sa bridge ng San Francisco? Kala ko, nag-flee na yung mga tao dun.

Paalala lang sa mga manonood pa lang. Iba na lang panoorin niyo kung mahal niyo ang pera niyo. Don't expect anything big kasi ampanget niya. Sana itapon na lang nila sa manila bay para pakapitan ng talaba.

Punyetang pelikula...

May 17, 2006

Tears from above?

I'm a very strong person. As far as I know, I never want to shed a tear to anyone or anything. I admit it that it is not manly to have a teary-eyed over something. But for some reason, when I pray to God, as soon as a started praising his Name, tears pour from my eyes. I don't know why but this always happen to me. Thanking and asking for His forgiveness, asking for blessings and sharing all the things that happens to me on that day. I couldn't explain it but as I weep, I fell so relieved and so close to Him. Is this the power of God? Does this show I'm really sincere with my prayers? But whatever it is, I like it. It shows how I value my love for God and for some reason, He is still there for us. Beyond our sins and wrong-doings, He never lost his touch on us.

Damn, tears are rolling again... Thanks God...

May 16, 2006

Trabaho sa gitna ng bagyo

Isa sa mga pinakamalupit na experience ko ay yung magtrabaho ng OT habang bumabagyo sa labas. Yung tipong no choice ka kungdi mag-trabaho dahil di ka naman makauwi. Ibang klase feeling. Daig mo pa ang uminom ng red horse at red bull. Yung stressed ka na pero no choice kasi di ka rin naman makakauwi. Masakit sa ulo pero ayos lang.

Buti na lang hindi nawalan ng kuryente. Kasi magiging tuod ako nun sa office. Good as nothing lang yung ginawa kong OT. syet...

May 11, 2006

Joke ni Panchito

Mahirap talaga gumamit ng local joke para sa isang foreigner. Madalas pumapalpak. Well, sa case ko madalas. Anong joke ang ginamit ko? Anong isda ang bulletproof? syempre may kasama pang sound effect na pa-ting!

Sinubukan ko siya sa trainer naming foreigner. Syempre sinabi ko in Tagalog, di naintindihan. So ako naman, isinalin ko sa Ingles. "What fish is bulletproofed? " Sabay sagot ng may sound effect na "shark". Di niya na-gets. Pahiya ako.

Next time iisip ako ng foreign joke. Tignan ko lang kung di siya lumuha sa kakornihan. Ehehehehehe

May 08, 2006

Aba may Confetti na naman

Araw ng makati ngayon. Syempre, mainit ang ulo ng mga drivers kasi sarado ang ayala avenue sa mga sasakyan. Katakot-takot na namang mura ang maririnig mo sa kanila kesyo traffic. Pero hindi ito ang topic ko. Nililito ko lang kayo.

Ang gusto ko lang bigyang pansin ay yung mga pira-pirasong papel na hinahagis tuwing may magandang okasyon sa makati. Yung tila nababalutan ng snow ang ayala avenue sa dami ng hinahagis na ganito. Itago na lang natin sila sa pangalang "Confetti's".

Ay baket kamo ito ang napagdiskitahan ko? Ay kasi naiisip ko kung paano nila ginagawa ang mga confettis. Mayroon ba silang hina-hire na mga dating katipunero na sanay magpunit ng sedula? O kaya yung mga warfreak na gustong laging may pinupunit? Masarap sigurong trabaho yun no, punitin mo lang yung papel babayaran ka pa. Pero mas ok na trabaho yung magkalat ka na, malaki pa bayad mo. Isipin mo, magsasaboy ka ng limpak-limpak na kalat sa kahabaan ng makati at minumura ka nung mga taga-linis pero nakangisi ka sa bayad. Astig di ba?

Isipin mo rin yung mga kinarne nilang mga puno para gawing confetti. Pucha, sana recycled papers ang ginamit nila. Kasi kung saka-sakali, makakarinig na naman tayo ng balitang isang bayan ang natabunan ng landslide dahilan sa industriya ng confettis. Blame it on the confettis

Sige na tigil na ko. Iwanan ko na lang kayo ng top 10 things na di mo pwedeng gawing confetti:

1)  Gamit na pampers (Yung galing pa kay pampam)
2)  Hollow-blocks
3)  Dura
4)  Piano (tignan lang natin kung mabuhat niyo yun)
5)  Kamatis
6)  Talakitok
7)  Pera (Dyosme! literal na nagtapon ng pera)
8)  Bayabas (eh sa idol ko si Juan Tamad eh)
9)  Titulo ng lupa, multi-million kontrata (tignan natin kung di ka pugutan ng ulo)
10) Batang makulit

Di naman ako galit sa confettis. Tinitignan ko lang ang masayang aspeto nito. Teka, subukan ko muna kung di nga pwedeng gawing confetti yung hollow block...

May 04, 2006

Fear Factor

Di ko talaga alam kung bakit sumasali ang mga tao sa fear factor. Dahil sa prize money? Dahil sa pride? Dahil sa bragging rights? Ito ang kapalit ng mga kakaibang stunts at nakakadiring gagawin nila during the show. Kakain ng nasagasaan na hayup, gagamba, lamang-loob ng baboy, kambing, etc. Lalangoy sa sobrang lamig na tubig, tubig na may daga, basurahan, mga ipis, etc. Para saan? Dyosme, ganun na ba kadesperado ang mga tao ngayon para magkapera at sumikat. "Yahoo! Nagka-50K dollar ako pero kumain ako ng ipis". Sinong matutuwa nun? Ala lang. Naawa kasi ako dun sa mga na-eliminate sa contest. Matapos nilang masira sa screen eh pauuwiin na lang silang wala man lang napanalunan.

Ibang klase talaga... teka nga magbodyshot muna ko sa taong may ketong...

April 27, 2006

Galera uli!

Sa wakas, bukas na ang galera! 6 lang kami pero  ayos lang. Nakapamili na ko ng mga dadalhin(putsa ang magreklamo na sobrang dami kong dinala, ihahagis ko sa dagat). Nakabili na rin ako ng bagong snorkling set (yeba bebe!) para sa activities namin dun. Excited na kong makisalamuha uli ang mga kaibigan ko nung college.

Kita-kits sa ilalim ng mindoro sling... yeba!